Pages

Sunday, 20 April 2014

Yapak, Yabag!

Kahapon lamang
Yakap yakap kita
Ni hindi mabitiwan
Dahil napaka liit mo pa!

Ngayon sa isang iglap
Tatakbo takbo ka na
At minsan sa bilis mo
Ako'y napapa-buntong hininga!

Kahapon lamang,
Munting sanggol ka pa.
Ngumingiti, humagikgik
Na tila lahat ng tao'y
Walang mga pangamba!

Bukas, ano kaya?
Bukas, paano ka?
Bukas, saan ka dadalhin
ng iyong mga munting paa?

Marinig ko pa kaya ang yabag ng  mga mahiwagang mong paa? 


NanayniLuigi2014
TinaClareteBosotti



No comments:

Post a Comment

thanks for taking time to read my posts