Pages

Sunday, 19 February 2012

Bukang Liwayway


"I think that I shall never see a poem as lovely as a tree!"

Iba talaga ang nagagawa ng liwanag.
Nagigising ang iyong kamalayan,
at nakikita mo ang lahat.

At habang patuloy mong tinatahak ang landas na
sa pakiwari mo'y akma para sa lahat;
naririnig mo ang mahinang pintig ng iyong dibdib,
at naaninag mo ang ngiti ng mga ulap sa kalawakan.

Tumitingkad ang buo mong kapaligiran,
maging ang mga alikabok na dati-rati'y nakakapuwing
ay biglang nawalan sa iyo ng saysay.


"I saw this flowers yesterday... I thought of love, I thought of you."
"Keep walking... while you can!"

No comments:

Post a Comment

thanks for taking time to read my posts