Pages

Tuesday, 21 May 2013

Dalawa Nga Ba?

Dati rati dalawa lang kami...

Dati rati pwede kahit ano...
Dati rati kahit anong oras pwede ka matulog lang ng matulog,
manood ng TV ng walang sawa,
magbake ng magbake, mag explore ng mga new recipes...
Kahit nga buong araw ka pa sa Facebook...
Dalawa lang kami noon eh!

Ngayon, dalawa din kami!
Mahirap pala, kami lang mag-INA ang mag kasama... Mas masaya kung tatlo kami. May makulit, may matakaw, may patawa! 

Dalawa lang muna kami ngayon però masaya pA din, però minsan sobrang nakakatuwa ang Anakino ko, napapaluha ako. Naiisip ko kasi, "Sayang at hindi nakita ng tatay mo ito!"

Bigla bigla tuloy, naiisip ko yung ilang milyon na Filipino na iniiwan ang mga anak, ang kanilang mag-iina o mag-aama. Lumalim tuloy ang pagkalungkot ko. Naisip ko, ganun talaga ang buhay. Kailangan gawin ang lahat parà sa pamilya. 

Tatlo na ulit kami... mas masaya kung tatlo. Mas hagikgik ang kilitian at utuan...Oo minsan feeling ko 3 kaming nag-uutuan kasi mahal namin ang isa't isa. Mas malakas ang halakhak kung tatlo kami. May luha din però luhang may saya kasi alam mong magkakatabi lang kayo at di ka na mangangamba. 

APAT pala  kami! Kasi lagi namin SIYA kasama; bago pa man kami gumising sa umaga nakabantay na siya. Buong araw daw NIYA kaming tinitingnan. Buong gabing binabantayan. Maraming salamat sa ika-4 na myembro ng aming pamilya. 

Kayo ilan kayo sa pamilya mo? 



No comments:

Post a Comment

thanks for taking time to read my posts