Pages

Wednesday, 28 August 2013

Two Months

2 Mesi 

Bilis ng panahon
Kay layo na ng kahapon
Tumakbo ang oras
Sing bilis ng buhawi...
Lumipas na ang lahat.


Tag-ulan, tag-araw, tag-sibol
tag-tuyot, tag-lamig o tag-lagas
Umulan man ng yelo, 
Kay bilis bilis lahat ay lumipas! 


Dalawang buwan na nagdaan,
Kimkim ang ala-ala't pag-aagam agam
Ngunit muli kang natunghayan
Busilak mong PUSO 
Na dulot ay kapayapaan...


Oh tag-araw, sana ikaw ay 6 na buwan
Sana'y kasing tagal ka ng tag-ulan! 
Di sana matapos ang sikat mo araw 
Painitin ang aming puso't isipan

Hihintayin namin ang muling tag araw
Hindi ba maari na mahigit pa sa 2?
Sana man Lang ay 3, 4, o 5!
Tag-araw mag balik ka!



No comments:

Post a Comment

thanks for taking time to read my posts