May isang nanay na medyo nahihirapan gumising kada umaga lalo pa't papalapit na ang araw ng aming pag-uwi. Ang nanay ng mister ko ay mababa ang luha. Masyadong emosyonal at medyo mahina ang loob pagdating sa mga bagay-bagay na masyadong maselan.
Siguro mahirap talaga mawalay sa anak, at sa bagong apo. Mag 7 buwan pa lamang ang anak ko. Giliw na giliw sya dito at di niya maisip na ilang araw na Lang, ako ang anak nya at ang kanyang pinakamamahal na apo ay uuwi na.
Halos 2 oras din ang byahe namin sa eroplano. Malapit Lang yun, pero walang lakas ng loob sumakay ng eroplano ang nanay ng asawa ko.
Hindi ko maisip kung paano magpapa-alam sa kanya sa Sabado! Tiyak na iyakan na umaatikabo!
Kaninang umaga nangingilid ulit ang luha niya habang binabati nya ng magandang umaga ang anak ko. Siguro mahirap mag paalam talaga sa Sabado.
Pero ako ay lubos na masaya, sobrang ligaya ko na kami ay uuwi na. Ilang beses din naman kasi nangilid ang luha ko sa kanila. Hindi yata madali makitira sa bahay ng iba.
Hindi yata madali na mapakialaman ka. Nakakangilid kaya yun ng luha. Hindi nila alam ang pakiramdam ko. Alam kaya nila? Habang nangingilid ang luha ng nanay ng asawa ko, naiisip ko ang nanay ko.
Ang Inang ko nga ni hindi pa nasulyapan ang anak ko. Hindi ko pa Siya nayayakap mula ng ikasal ako. Ang tagal na noon... Hindi lang katitik na luha sa gilid ng mga mata ko.





No comments:
Post a Comment
thanks for taking time to read my posts